Monday, February 2, 2009

Tip about love

Tips para sa mga ladies:

Kung ikaw ay wala pang bf at maraming nanliligaw sa yo pumili ka lang ng isa, hindi magandang marami ang yong iibigin dahil lalabas na ikaw ay segurista at maraming maiinis sa yo. Kung wala kang gusto sa yong manliligaw, sabihin mo ang totoo. Hindi magandang pinapaasa mo ang tao. Kung meron ka nang bf, ipakita mong mahal mo siya sa abot ng yong makakaya. Ngunit alalahanin mong may boundary parin habang di pa kayo kasal. Mahirap baka aabusuhin ang yong pagkababae.

Tips para sa mga boys:

Kung ikaw ay wala pang gf at ikaw ay nanliligaw, siguraduhin mong mahal mo ang babae, mahirap baka pagkatapos kang sagutin ay saka ka magsisisi. Kung sa yong panliligaw ay napapansin mong hindi ka type ng babae, huwag mong pipilitin dahil malawak ang mundo ‘pre, mas marami ang mga babae kay sa atin na mga lalaki. At kung ikaw ay may gf na, mahalin mo siya sa abot ng yong makakaya. At kung ang gf mo ay sawa na sa yo, hayaan mong liligaya siya sa iba ngunit kung ikaw ay nasasaktan sa kanyang paglisan, wag kang mahiyang umiyak pagkat hayop ka man ay iiyak ka rin. Sadyang ganyan talaga ang buhay sa mundo ‘pre weather weather lang.

Tips para sa mga bakla o tomboy:

Hindi naman masama ang magmahal sa parehong kasarian peru wag mong kalilimutan ang realidad na ang babae ay para sa lalaki at ang lalaki ay para lang sa babae. Sa ganitong paraan, dito ang tao dadami. Kaya wag kang masaktan kung pagkatapos kang pagsawaan ay saka iiwanan.

Tips para sa mga ayaw magkaroon ng gf o bf:

Kung ayaw mo ng relasyon dahil takot ka sa responsibilidad, hindi yon magandang pakinggan dahil lumalabas na ikaw ay duwag at puro pasarapan lang ang yong pananaw sa buhay kaya ayaw mo ng obligasyon. Ngunit kung ayaw mo ng relasyon dahil gusto mong maging malayang maglingkod sa Dios at sa sambayanan, saludo ako sa yo ‘tol dahil ikaw ay dakilang tao. Kahit wala kang karelasyon kung ikaw ay naglingkod, pag-ibig parin yon at ang tawag diyan ay ‘agape’.

1 comment:

  1. Emily H. Sell: Teen Sayings
    Love is a force that connects us to every strand of the universe, an unconditional state that characterizes human nature, a form of knowledge that is always there for us if only we can open ourselves to it.

    ReplyDelete